ShUt Up AnD ReAd Me...

just relax, seat comfortably and feel the magical powers of my posts (haha corny!!:P) enjoy yourselves reading my posts...tamaan na ang dapat tamaan...you'll discover my revelation as you read along my posts...

Tuesday, October 31, 2006

Nothin' much to do...

After a long long time..ngayon lang ulit akong nakapagblog..sem break pa naman..dapat napapadalas ang pagblog ko...hahaha.. owel..mixed emotion ako ngayong break...masaya kase, nakakapagpahinga ako tsaka pede akong makagala sa labas..hahaha!! malungkot kase...i didn't make it in Zoology...hayy saket nun!! shocks!! natatakot pa naman ako sa mga magiging reaction ng parents ko...nakakatakot!! as in! hinde pa naman alam ni mama..until now..I still have 48 hrs..bago ko pa ipaalam kay mama..hehe..
Nagbalik din ako ng Claret..nung Foundation Day together with the judang family...kita-kita lang dun and bonding-bonding!! hehe..Uu nga pala!! nagkaroon din ng volleyball event ang kajudangan sa may 2B Quirino Gym..basta iyong malapit kina Jessie...pagdating namin dun..hala!! disaster ang event!! maliit iyong net na dala namin!! hehehe :P...nag-ambagan pa kami ng pera to make it P900 para makabili ng matino-tinong net..punta kami nina Carlu, James, Carlo sa Alimall, Gateway, SM Cubao, Farmers Plaza...hayy!! lahat OUT OF STOCK!! the hell!! sayang ang pagod namin!! hehehe...pagbalik namin sa court...i saw them naman na nag-eenjoy sa kakalaro...hehe :D...owel..kahit na ganun ang nangyari...I still enjoyed the company...bonding-bonding na rin!! hehehe...kaya wala ring nasayang sa pagpunta namin dun...
overall rating for my sem break...hayy, halos boring ang buhay ko dito sa bahay!! walang magawa..hehe!!

Friday, October 13, 2006

Finally Over!!!

Yehey!! after a VERY STRESSFUL WEEK!!! sa wakas natapos na din!! hehe.. After ng exam sa SA...laking ginhawa nun sa buhay ko...hehe:D..What a great relieve talaga...magdadasal na lang hinde kami mairreg..lalo na sa Zoology..hehe..Paglabas ko ng room, I saw everyone wearing his/her smile!! Lahat sumisigaw ng "tapos na rin!!" We had our movie trip sa may Noval..haha kakaiba 'to!! hehe.. Maganda iyong place...We watched "Stay Alive"...to the max ang katakutan!! Tilian galore kami!! heheh...almost 17 people kaming nagsisiksikan sa loob ng viewing room!! hahaha...record breaking nga raw kami e sa dami namin...wahaha!! Nagplano ang block namin na magkaroon ng party on Monday kina Marga sa pag-eend ng 1st sem..sana matuloy and makapunta ang lahat!!! hay..ang bilis ng panahon...parang summer lang kahapon...tpos ngaun, nagwakas na ang 1st sem...

Monday, October 02, 2006

Go Uste!!!

Finals has come our way...we are asked to wear yellow to give support for the players...hehe:D When I arrived at UST, it's atmosphere is different..mostly, people wears a smile on their face...During Maths class around 9AM, we asked our prof to dismissed us early for us to buy tickets...buti na lang pinayagan kami ng mga prof na bumili ng ticket..sugod agad sa Araneta hehe..Amazing Race ang drama...pagtunton namin dun, so haba ng pila!! as in..daig pa ang enrollment...hahaha!! Nagkamali pa kami ng pinilahan kaya un...ang resulta, SOLD OUT!!!...shocks!! sayang ang pinunta namin dun...lahat kami dismayado..so we just went at Karen's house para manood...hehehe Masaya din ang moment sa bahay nila..hehe!! Tilian moment sa bahay nila...hehehe!! while we are watching, nakakatense ang game sobra...hehe..owel thanks to God we won!! Go USTE!!!hehe nagpay-off din ang paghihirap namin sa pila...hehehe that's it!! I end my speech...pahinga nako...ciao!! :D

Sunday, September 17, 2006

Psynapse

Yesterday morning...I'm excited sa aming Psynapse! hehe..kung ang dating acquaintance party pinalampas ko...pwes ngayon hinde na!! hay..bad trip lang iyong mga tao dito sa bahay!! pinipilit pakong sumama sa lakad nila...hinde man lang ako pinapahinga!! nasisira tuloy ang sched ko sa kng paano pumunta sa Ratsky...syempre, no choice ako..sumama ako para lang maplease sila...pag punta sa Mall of Asia...todo lakad lang ang ginawa...too bad to say, naging tagabuhat lang ako ng mga pinamili...hahaha:D owel, nakatext ko si Tia...nasa Mall of Asia din pala ang lola mo!! hahaha:P...around 5 hapon ko lang nabasa iyong text ni Alvin na kailangan daw ng ID sa Ratsky...hay naku!! si mama!! ayaw akong payagan umuwi ng bahay para kunin iyong ID ko..kase daw "it's impractical" so nakakahiya...sinasaway ako sa harap ng mga tao...hehe around 6 PM umalis ng Mall of Asia...late nako kase 6 PM ung start
Hinatid nako sa Ratsky w/o my ID...pagpasok ko..buti na lang pinayagan akong pasok...I saw my classmates...in fairness ang gwapo and magaganda sila!! hahaha...Boring iyong event pero masaya ang company...hehehe..ang highlight lang dun nung pinakilala sina Alvin and Dawn...hehe nagpicturan lang kami sa loob..hahahah..yan ang sign ng mga walang magawa sa loob...Alvin, Lance, and I went to McDo...along the way..unexpectedly, nakita ko sina Joseph and Jessie!!! hehehe I greeted Jessie a warmful Happy Birthday...so aun, after ng event, Saundra, Lance, Edward, Ica, Alvin, Erwin, Josh(syempre! ang may-ari ng bahay..hehe), and I had our sleep over sa kanila...bonding bonding lang...naglaro ng playing cards...tsaka ilang oras lang kami nakatulog...I enjoyed the night...kinabukasan nagsimba kami nina Alvin sa Uste...and I went home..pinagpatuloy ang pagtulog...

Thursday, September 14, 2006

My Day is Not that Complete

This day...We had our Practical Exam in Zoology...pesteng OIA yan!! Dinugo utak ko sa kakareview nun...sinabayan pa ng Neuro...hayy..masaya na rin ako kase kahit pano mataas-taas na din iyong nakuha ko sa Practical ko sa Zoo...hehehe kaya medyo inspired ako...babaw ko noh?? natural lang 'yan kase malapit nakong bumagsak..hahahaha kaya happy nako...tsaka we watched Alvin's performance kanina sa Glee Club!! hahaha in fairness galing mo!!!
Pero kahit ganito ang nangyari sa akin...a part of me is experiencing depression...kahapon pako wala sa sarili...nakatago sa mga ngiti ko ang lungkot na nafeefeel ko...ito lang masasabi ko...masakit marinig na sabihan ka ng itinuturing mo nang best friend na "magmula ngayon hinde na tayo magkaibigan"...ok lang sana kung sinu-sino lang...pero mismong close friend ko na agad ang nagsabi saken nun e...iba agad ang dating saken nun...parang natigil oras ng mundo ko..hinde ko alam irereact ko...sa bagay din naman, aminado din naman ako na kasalanan ko rin...kaya siguro dapat lang naman na maramdaman ko 'to...siguro nga naging padalus-dalos ako...hayy ang tanga tanga mo talaga Jobo!!! ang boba boba ko...hinde man lang ako nag-iisip...out of nowhere bigla na lang may pasabog na mangyayari...Lam kong hinde nya matatanggap sorry ko...kahit hindi nya ako patawarin...aus lang un...sana maisip niya na NEVER akong nagsadyang pasakitan ang kalooban nya...siguro nga lang...naging tanga lang ako nung mga oras na un kaya nagkaroon kami ng gusot ngayon...Naiintindihan kita kung magiging ganito ka kagalit saken...tanggap ko un...Yoko lang sanang masayang ang pinagsamahan namin...marami pa naman kaming napuhunang good memories...hayy, mahirap talagang mawalan ng kaibigan...sana masave ko pa 'to...matapos na sana 'tong gusot namin..para totally completed na ang araw ko...Thank you na rin kay Lord...kakaibang leksyon ito para saken...Kahit anong mangyari...magalit ka man saken...ituturing parin kitang best friend ko...lam kong ayaw mo ng bumabawi...pero wag mo naman sana akong itulad sa mga nakagalitan mo...kahit isang pagkakataon man lang...yoko lang talaga ng may kaaway...kahit pano naman itinuring nya akong mabuting friend...minsan lang ako nagkamali...hinde na mauulit un... I may not be a perfect friend but I can be your good friend...hayy..grabe!! ayoko nang maulit itong kagagahan ko...yoko na talaga...marami talaga akong mamimiss!!! sana paggising ko...OK na ulet!!! i wish na magbalik ulet sa dati...PEACE!!!

Friday, August 18, 2006

Unwinding from a stressful week...

Hay..at last!! after a 5 day stressful exams is finally over!! SA and Gen. Psych is our last tests...pagkatapos ng test..grabe!! I feel so releaved!! makakarelax na din sa wakas...hahahaha:D after prelims..we've planned to go at Gateway para manood ng Click..hehehe Dami kong nakitang Claretians nun!! After watching Click, nagTime Zone kami...Basketball kaming dalawa ni Alvin..hehehe:D Pag-uwi namin...I'm with Cholo..hay naku!! Amazing Race ang drama!! wala kaming masakyang FX...unexpectedly I saw Ner...wala lang..bigla lang siyang nagpakita..hahaha so aun..nagsayang kami ng P20 papuntang Quiapo...ahahaha!! ok lang un noh..enjoy naman eh..out of nowhere bigla lang kaming bumaba...wahaha kase may nakitang sakayan ng Fairview...at least may daan na para makauwi...yehey!! kaya un..nag-end up kami sa bus...and I'm finally home!! pahinga mode na from a stressful week...

Friday, August 11, 2006

Reunion Outbreak...

After a long long time na pagkasadlak sa sakit...finally, magaling nako!!!...hirap din ng magkasakit noh! Anyweiz...tapos na iyon..back to normal nako...This day is quite busy for me kase after my classes I went to Rara's house and had our Despedida party...I met Buni at the Lover's lane...sabay kaming pumunta sa bahay nila to freshen up...Out of nowhere, Joseph and Jessie called me up na susunod sila sa bahay ni Buni...While waiting, kumain kami ng nakakabusog na siomai and nakakachill na mais con yelo...Von and Carlo caught up to our trip to Rara's house...Naku ha!! matagalan ang pag-iintay ng taxi para makasakay...nagmamadali pa naman si Joseph kase ayaw niyang malockan ng pinto sa bahay nila...We've divided into 2 groups sa pagsakay ng taxi...I'm with Buni and Jessie sa pagpunta kina Rara...pasaway!! nagkamali kami ng binabaan!! hahahaha umulan pa naman...malas!! hehehe :P When we arrived at Rara's house, nandun na ang iba like Eric, Irish, Joseph, Von, Carlo, James. Sumunod na lang sina Nino, Joogie, Martin and Bhullet...SOBRANG SAYA NG CHIKAHAN AND GETSUNGAN MOMENTS...nakakabusog ng food!! hehehe :P After nun...we watched the video of our Paalam...nakakatuwang makita iyong Rouge na sumasayaw...tsaka iyong mga pasaway na eksena...hahahaha after that we said goodbyes to each other...sabay sabay na kaming umuwi nina Von and Joseph...hay...thank you Rara for inviting me sa Despedida mo...mamimiss kita sa States!!! luv you!! stay nice and funny!! :P at sa mga judang naman...sa muling pagkikita ulet!! kita kits na lang sa concert ng Ferlet!!! ingatz kayo guyzzz!!! luv you all!!